Friday, May 12, 2023

Zouk

Sa ganitong kainit na araw tulad nitong ika-12 ng Mayo ng 2023, nakikinig ako sa bahay, mula sa tablet ko, ng musikang Zouk, yaong musikang Pranses at Kreyol na Pranses ng Karibe. Nasa tsaahan ako sa Isla Lulu sa hapon para isang baso ng mayelong itim na tsaa. May mga lesbiyana roong Taga-Pilipinas. At isa sa kanila ay mukhang transeksuwal dahil muskulado ang mga binti at braso. May guwapo namang lalaking pula ang buhok at balahibo. May mga frekel siya sa mga braso niya. Sa akin, eksotiko ang mga taong mapula ang buhok. Sa katunayan, ang aking sariling buhok ay mapulang itim.

No comments:

Post a Comment