Thursday, May 11, 2023

Kabundukan

Nang ika-11 ng Mayo ng 2023, mainit-init na, at maganda ang araw. Naglakad ako hanggang sa pizzeria rito sa Isla Lulu para isang piraso ng Kanadyanong pizza at kolang may maraming yelo. Tapos, pumunta ako sa tsaahan para isang baso ng mayelong itim na tsaa. Marami raw polyphenol sa itim na tsaang pampalusog. Nakaupo sa bar si Chen, yaong tabatsoy na mukhang sundalong Intsik, at binati niya ako. Sa paglabas ko nang tsaahan, binati ako ni Jam, yaong mabatang Pilipinong baristang ang tawag sa akin ay "Kuya." Pag-uwi sa daan panorte, kita ko pang may kaunting niyebe sa itaas ng kabundukang mukhang asul. Asul ang langit din. Sa maaraw na hapon, nagparoon ako sa gazebo sa kapitbahayang parke. Nakita ko ang Tsina kong kapitbahay na may puting aso at maliit na kulay-kapeng aso. Natagpo ko si Joemar na mabatang Pilipinong pinanganak dito sa Hilagang Amerika. Naglalakad siya sa kampong puno nang mga bulaklak at mga maulap na binhi ng mga dandelion. Kasama niya ang kanyang puti at kayumangging Chihuahua. Nagta-Tai Chi siya sa kalagitnaan. Maganda ang katawan niya. Nakaitim siya. Taga-Iloilo ang tatay niya, at Taga-Marinduque ang nanay. Marunong din siya ng Jiujitsu at Kickboxing. Sa UBC, Heograpiya at Kreatibong Pagsusulat ang kinukuha niya. Dati raw, Byetnamesa ang gerlpren niya. Sabi kong magaling na etniko iyon sana. Mamaya pa nang hapon, bumalik ako sa gazebo. Sa daan, kita ko si John, yaong Anglo-Sahon, sa balkonaheng nagbabasa. Ang Haponesang si Chika ay nakakotseng paalis.

No comments:

Post a Comment