Sunday, May 28, 2023

Olanda

Ngayon ay ika-28 ng Mayo ng 2023. Sa akin, may kaugnayan ang 28 sa Esperanto dahil may 28 letra sa alpabeto roon. Nabasa ko sa grupo ni multibilyonaryong si Elon Musk sa Twitter na ang simula ng siyensiyang piksiyong pelikulang Prometheus ay may kaugnayan sa mito ng kreasyon sa mga antigong Indo-Europeo. Natatandaan ko ngang ang android na si David sa pelikula ay nag-aaral ng Proto-Indo-Europeo o PIE. Ngayon, dalawang beses akong pumunta sa pizzeria, sa umaga at sa hapon. Naroon ang mga Taga-Indiyang tinderong si Sachet at si Simar. Sa hapon, nakita ko sa harapan ng pizzeria si Hans na Olandes na nakasilyang de-gulong. Papunta raw siya sa sorbeteriya. Pinag-usapan namin ang mga tulip sa Olanda. Noong bata siya roon, malapit siya sa bukid ng mga tulip. Sabi kong noong bumisita ako sa Amsterdam, nakita ko ang mga senyas para sa tour papuntang mga bukid ng tulip, pero mas nagustuhan kong makita ko ang magandang siyudad. Sabi kong sa kapitbahayan namin dito sa Isla Lulu, may iba-ibang kulay ng tulip tulad ng maitim na morado.

No comments:

Post a Comment