Tuesday, May 23, 2023

Palaka

Nitong ika-23 ng Mayo ng 2023, narito sa bahay sa Isla Lulu ang bisitang si Marcus na Taga-Singapura. Apat na beses akong naglakad sa labas: sa kapitbahayang parke, sa tsaahan, sa pizzeria, at sa pizzeria muli. Sa pizzeria, may Amerindiyong mestisong nakaberdeng dyaket na may tradisyonal na palaka sa likod, tapos nagsuot siya ng track pants na kulay-abo sa ibabaw ng itim na shorts niya. Sa ibang mesa naman, may dalawang Bumbay na may dalang maliit na pakwan. Sa labas naman, sabi ng isang pulang-buhok na lalaki sa tabi ng pub: "Hindi ka Taga-Tiyera!" Sa bahay, sabi naman ni Marcus, "Mas para kang Hapon!" habang nanunuod ako ng mga bidyong klip na siyensiyang piksiyon sa tablet ko. Mamaya pa, sabi niya, "Para kang Britanikong Hispaniko!"

No comments:

Post a Comment