Saturday, May 20, 2023

Sakripisyo

Nang maaraw na umaga ng ika-20 ng Mayo ng 2023, nasa tsaahan sa Isla Lulu ako para kumain ng baon kong ubeng hopya at uminom ng mayelong itim na tsaa. Dumating si Greg na Pilipino, at nagkape siya at nag-croissant. Binigyan niya ako ng isang sako ng mga tsip na mansanas. Binigyan ko naman siya ng ubeng hopya. Marami kaming pinag-usapan. Ang Imperyong Srivijaya ay dating Budista-Hindung dominyong nakasentro sa Sumatra at Javang may impluwensiyang palawit sa antigong Pilipinas. Sa mga antigong relihiyon ng Mehiko, may mga sakripisyo ng hayop at tao man para sa kanilang mga diyos. Ang mga lumad ng Pilipinas ay Animista. Paglabas ko, binati ko si Marlin, yaong Pilipinang nakaupo sa ibang mesa, at ginagamit niya ang kanyang ismartpon. Pagkatapos kong kumain ng inihaw na manok at kanin sa tanghalian sa bahay, pumuntang lakad ako sa tsaahan muli. Kinamusta ako ni Hans na Olandes na nakamaliwanag na naranghang kamiseta at nakaupo sa kanyang silyang de-gulong sa naaarawang harapan ng tsaahan. Pareho kaming interesado sa astronomiya. Sa loob, nagmayelong itim na tsaa ako. May mga malusog na bata. May isang adolesenteng mukhang Hudyo sa ibang mesa. Maganda ang katawan.

No comments:

Post a Comment