Ika-29 ng Mayo ng 2023 ngayong maulap na umaga. Lakad akong papuntang tsaahan. Doon, kumain ako ng dalawang pirasong hopyang ubeng baon ko, at uminom ako ng mayelong itim na tsaa. Tapos, sa ikalawa kong lakad, pumunta ako sa sulok na tindahan. Bumili ako nang limang de-latang Taywanes na malamig na panghimagas na sopas ng tigbi at munggo, at saka isang sako ng Koreanong almendras na may wasabi. Pilipina ang tindera. Sa tindahan, may pumasok na nanay na mukhang Amerindiyang kasama ang kanyang binatang anak na lalaking mestiso. Sabi kong ang "kyut" ng anak niya. Sa pauwing lakad, nakita ko ang isang lalaking muskuladong naka-shorts na pumasok sa dry cleaner. Mayroon siyang malaking tato sa likod ng kanyang kaliwang binti. Ngayon, masasabi kong "Animista-Budista" ako.
No comments:
Post a Comment