Wednesday, May 17, 2023

Hatinggabi

Nang pasadong hatinggabi nang ika-17 ng Mayo ng 2023, nagsiyopaw na asadong baboy na malaki ako habang nakikinig ako sa Griyegong musika mula sa tablet ko. Sa balkonahe sa dilim, nagtsatsaang berde ako. Maulap-ulap, kaya hindi kita ang mga bituwin. Sabi ni Michael na Danes-Pranses noong isang araw, naranasan niyang maraming beses ang klarong langit sa gabi sa bukid para talagang makita ang mga bituwin at galaksiya. Sa ibang tema, siningil ako ng FedEx noong isang araw nang $14.74, at sa Web ako nagbayad. Bukod pa yaong bayad sa presyo mismo ng libro. May dadating na libro. Hari nga't yaong libro ay ang hinihintay ko pang bersiyong Hapones na Reddo Puranetto, o Pulang Planeta, ni Robert Heinlein, o kaya yaong isa pang hinihintay ko ring bersiyong Hapones na Subarashii Shinsekai, o Matapang Bagong Mundo, ni Aldous Huxley. Pareho pang hinihintay ko, mula sa Hapon. Mahilig ako sa siyensiyang piksiyon. Medyo malaki ang koleksiyon ko sa Hapones, Kastila, Portuges, Pranses, at Ingles. May kaunti ako sa Katalan at Italyano rin. Noong 2021, binili ko ang bersiyong Hapones na Impermanenteng Buwan: Ang mga Pinakamagaling ni Larry Niven.  Bago pa mag-alas 7 nang umaga, nasa tsaahan ako.  Lakad ako.  Sa tsaahan, may mga nagko-Koreano sa isang mesa.  May mga malusog na lalaking dumalaw.

No comments:

Post a Comment