Nang pasado nang 2:30 ng nokturno ng ika-13 ng Mayo ng 2023, gising ako sa bahay sa Isla Lulu. Kumuha ako mula sa ref ko ng isang berdeng latang may sulat ng Taywanes na logograma. Kinakain ko ang kaloobang malamig na panghimagas na sopas ng tigbi at munggo habang gumagawa ako ng kape sa makina sa kusina. Matahimik sa madilim ang gabi. Ginagamit ko ang tablet ko. Bago pa mag-alas 5 nang umaga, kumakain na lamang ako ng malaking siyopaw na asadong baboy. Naririnig ko ang mga ibon sa labas. Nang mga alas 7 nang umaga, nasa tsaahan ako sa Isla Lulu, at umiinom ako roon ng mayelong itim na tsaa. May mga kustomer na lalaking may mga tato sa katawan. Sa tabing tindahan, bumili ako ng isang sako ng mga asadong baboy na siyopaw. Ang kahero ay si Michael na Intsik-Ingles na mestiso. Pag-uwi ko, nakita ko si Nikki, yaong Tsipreng Griyega, at nagpapatuloy siya nang kanyang 6 na ikot sa kapitbahayan. Bago pa mag-9:30 nang maaraw na umaga, nasa gazebo ako sa kapitbahayang parke at nanunuod ng mga moradong puno, berdeng kampo, at asul na langit. Nakita kong may mga kapitbahay na naglalakad sa kalye, isang Tsinang si Lindsey at isang Koreana. Sa bahay, nakikinig ako mula sa tablet ko ng musikang Zouk ng Karibe, sa Pranses at Kreyol na Pranses. Sa tanghalian, kumain ako ng Griyegong kalamaring bitbit ng pinsan kong si Eve. Bumili rin siya ng isang sako ng hipon sa muwelye. Sa matinding kainitan sa labas, naghahardin ang kapitbahay kong si Linda, yaong mestisang Amerindiyang Cree at puti.
No comments:
Post a Comment