Tuesday, May 16, 2023

Tato ng Leon

Sa bahay, nakikinig ako mula sa tablet ko ng musikang Zouk ng Karibe, sa Pranses at Kreyol na Pranses. Pasado nang alas 10 nang umaga nitong ika-16 ng Mayo ng 2023, nasa pizzeria sa Isla Lulu ako. Lakad ako. Ang tindero ay si Bal na Taga-Indiya. Mayroon siyang tato sa kaliwang braso ng leong akala ko naman ay tigre. May dumalaw na dalawang lalaking isang puti at isang Asyano. Yaong puti raw ay Taga-Alger sa estadong Washington. Niwelkam ko siya. Yaong Asyano ay tagarito. Pauwi na ako, nakita ko Rod. Mahilig siya sa kamping. Babalik daw silang mag-asawa sa Lawa ng Alice para magkamping. Nagugustuhan niya ang aking kamisetang naranghang may larawan at sulat na "California." Maganda raw "pakinggan."

No comments:

Post a Comment