Nang ika-12 ng Mayo ng 2023, kumain ako ng isang piraso ng harding pestong pizza sa pizzeria nang umaga. Sa labas ng bintana, kita ko ang isang Tsinong matabang muskuladong trabahador na nakaberde sa tabing pruteriya. Maganda ang mga braso niya. Nasa tsaahan ako mamaya pa. Binigay sa akin ni Chelsea, yaong baristang Mandaring Tsina, ang baso ng aking mayelong itim na tsaang ang plastik na takip ay hindi mahigpit na selyado sa baso, at nabubuan ako. Sabi ng baristang Byetnamesang si Jessicang pumunta raw siya kahapon sa Lawa ng Cultus at sa Chilliwack. Sa kapitbahayan ko at sa tahanan ko, may mga namumulaklak nang morado. May niyebe pa sa itaas ng norteng kabundukan. Sa arawan, matiyagang naggugupit ang kapitbahay kong si Moli ng kanyang mga halaman. Parang eskultora siya. Mahigit nang otsenta anyos siya. Taga-Fiji siyang parteng Tsina at parteng Bumbay. Sa bahay ko, may kinain akong abokado. Paminsan-minsan lamang dahil mataas sa kolesterol, pero masarap nga.
No comments:
Post a Comment