Tuesday, May 9, 2023

Taga-Marte, Taga-Benus

Ika-9 ng Mayo ng 2023 na. Nang pasado nang alas 2 ng madaling-araw, naglakad ako sa dilim papuntang sa sulok na tindahan para bumili ng limang delata ng Taywanes na malamig na panghimagas na sopas at dalawang pakete ng instanteng nudel. Sa bahay, nagsiyopaw na malaki ako, at nagkapeng malamig ako sa aking Hawayanong tasa. Sa pasado nang alas 6 ng umaga, nasa tsaahan ako para isang baso ng mayelong itim na tsaa at dalawang pirasong hopyang baboy na baon ko. Kaunting maaraw dito sa Isla Lulu. Ang mga barista ay si Jessica, yaong Byetnamesa, at si Gopika, yaong Taga-Indiyang Kerala, estadong Malayalam ang lengguwaheng may kaugnayan sa Tamil, mga lengguwaheng Dravidiano sa timog. Sa timog ng Indiya, hindi kasing lakas ang Hindi, lengguwaheng Indo-Europeo, kaysa sa hilagan. Sa tsaahan, may dumalaw na mga paramediko, isang puti at isang Asyanong nakaahit ang ulo. Nagkape sila sa mesa sa labas. Nakita ko si Michael na Intsik-Ingles na mestisong nakalinya sa kahera. Bitbit niya ang librong Ang Lalaki ay Taga-Marte, ang Babae ay Taga-Benus, sikolohiyang libro. Sa pauwing daan, umulan nang mga petalo ng mga kulay-rosas na bulaklak mula sa mga seresong puno. Nagkalat sila sa nilalakaran.

No comments:

Post a Comment