Araw ng mga Ina ngayon sa Isla Lulu nitong ika-14 ng Mayo ng 2023. Pasado nang hatinggabi, kumakain ako ng siyopaw na asadong baboy at pandesal na sanwits na ensaladang itlog, at nagkakape rin ako. Dinala ko ang malamig na kape ko sa labas sa madilim na tahimik na balkonahe. Parating lakad ako. Mga alas 6 nang maaraw na umaga, nagtsaang itim na mayelo ako sa tsaahan. Ang sinag ng araw ay nasa aking mga mata. Naroon ang dalawang baristang si Sarah, yaong Anglo-Sahonang dating nasa Québec, at si Gopika, yaong Taga-Indiya. Sa tanghalian, mamaya pa, ang pista naming pamilya. Nag-aalala ako dahil dumating daw ang aking bersiyong Hapones na librong Reddo Puranetto, o Pulang Planeta, ni Robert Heinlein mula sa Hapon noong pang ika-9 ng Mayo, pero hindi ko natanggap sa bahay. Sayang naman.
No comments:
Post a Comment