Monday, May 15, 2023

Sabana

Mainit na maaraw ngayong ika-15 ng Mayo ng 2023. Sa umaga, naroon ako sa tsaahan sa Isla Lulu para isang baso ng mayelong itim na tsaa. Parati akong lakad. Mamaya pang umaga pa rin, nasa pizzeria ako para mag-Diet Cola. May kasama si Sachet na Taga-Indiyang bagong tinderong Taga-Indiya ring ang pangalan ay Bal, isang Panjabing Sikh na hindi naman gumagamit ng turban. Alam kong sa Volapük, ang "bal" ay "isa" katulad sa orihinal na diyalekto ng Volapük na "Menad bal pük bal": Isang sangkatauhan isang wika. Sa repormasyon ng Volapük na diyalekto, naging "Menefe bal püki bal" naman. Sa daan sa umaga, nakita ko si Michael na Danes-Pranses, at pinag-usapan namin ang astronomiya, ang paborito naming tema. Inistorya ko sa kanya ang tahanan ko dati sa Lungsod ng Quezon nang kaming bata ay naghahanap ng mga tektites sa kampong sabanang pula at nagguguni-guni kaming ang mga parte ng kampo ay iba-ibang planeta tulad ng Merkuryo, Benus, Marte, at iba pa. May mga pulang ipu-ipo roon, at kung minsang hinahabol ko para tumindig ako sa kalagitnaan ng hangin. Kung minsan, kasing laki ng bahay ang ipu-ipo, pero hindi naman nagiging tornado. Sabi ko kay Michael na parang nasa Arizona kami. Sa maiinit na hapon, nasa tsaahan muli ako para isang baso ng mayelong itim na tsaa.

No comments:

Post a Comment