Nakikinig ako sa bahay ng tsanel na Chill Planet ng mga eklektikong espiritwal na musika mula sa tablet ko. Nang mainit na hapon nang ika-16 ng Mayo ng 2023, nasa pizzeria ako, tapos sa tsaahan, sa Isla Lulu. Lakad ako. Sa pizzeria, may malaking lalaking mukhang Hawayanong Intsik. Naiinitan daw si Rose ngayon, yaong tinderang Pilipina. Kinamusta ako sa labas ni Hans na Olandes na nakasilyang de-gulong. Nagugustuhan niyang tawagin akong si "Vince." Mahilig kaming pareho sa astronomiya. Sa tsaahan, nagtsaang itim na mayelo ako. Ang barista ko ay si William na mukhang siyopaw na Intsik. Naroon din ang baristang si Francis, yaong mestisong Amerindiyong Cree at puti. May puting amang may kasamang anak na babaeng galing sa laro ng softball. Naka-Crocs siya nang pula, habang asul ang suot ko. Pareho kaming komportable sa paa ang sabi namin. Kumaway sa akin sa labas si Hans at si Kveta, yaong Tseka. Pasado pa nang alas 9 ng gabing may kaunting araw pa, naghahardin pa rin ang mga kapitbahay kong si Moli, yaong Taga-Fijing Tsina-Bumbay, at ang Tito Ed kong Taga-Bikol. Kita ko sila sa balkonahe. Dapat nga, "Tita" Moli o "Lola" Moli, pero nag-iingles. Ganoon din, sa kapitbahay kong Tsipreng Griyegang si Nikki. Dapat "Tita" Nikki o "Lola" Nikki nga. Nag-iingles. Alam niyang may lahing Griyego rin ako.
No comments:
Post a Comment