Sunday, May 14, 2023

Nagpista

Nang maaraw na tanghalian ng ika-14 ng Mayo ng 2023, nagpista ang pamilya ko para sa Araw ng mga Ina. May maraming barbikyu, ensalada, hipon, isda, Basque cheesecake, at iba pa. Pagkatapos, namasyal na lakad ako hanggang sa pizzeria sa Isla Lulu para isang mayelong baso ng Diet Cola. Naroon ang mga Taga-Indiyang tinderong si Sachet at si Simar. Biro nilang sa kusina ay nagho-Holi raw sila, ang makulay-kulay na selebrasyon ng mga Hindu sa tagsibol. May mga pumasok na kustomer. May babaeng kulay-rosas ang buhok. May lalaking nagdala nang dalawang pumpon ng mga bulaklak. Pagbalik ko sa bahay, kumain ako ng ubeng Brazo de Mercedes at bikong galing sa pistang pinuntahan ni Perlita, Pilipina naming kaibigan.

No comments:

Post a Comment