Sa hapon nang una ng Mayo ng 2023, naglakad ako muli papuntang sa tsaahan, pero punung-puno ng tao, at nakita ko ang kapatid kong si Paolo nang kasama ang kapitbahay naming si Mark na malaking puting lalaking nagpapaalala sa akin ng Maitreya Buddha, yaong matabang Buddha ng Kinabukasang madalas na may maliliit na bata sa paligid niya. Ang isip ng mga Budista'y kung mawawala na sa isip ng sangkatauhan ang mga tinuturo ng Gotama Buddha, darating naman ang Maitreya Buddha para magturo muli sa kinabukasan. Dahil masyadong maraming tao sa tsaahan, dumalaw na lamang ako sa pizzeria para kumain ng isang piraso nang may pepperoni at uminom ng Diet Cola.
No comments:
Post a Comment