Malamig na naman. Nitong maulap na una ng Mayo ng 2023, nasa tsaahan ako sa umaga, tapos nasa pizzeria, nang dalawang beses nang lakad. Sa pizzeria, naroon si Tharsan, ang may-ari ng pizzeriang may lahing Taga-Sri Lanka. Pinag-usapan namin ang masyadong malamig na pasadong Abril at ang alerhiyang nagpapaubo sa kanya. Sa labas, sa bangko sa tabi ng puno, nakaupo si Michael na Danes-Pranses at nagkrokrosword doon. Pinag-uusapan namin ang astronomiya. Tingnan ko raw ang Omega Centauri, ang pinakamalaking kilalang globular na klaster ng mga bituwin sa ating galaksiyang Daang Magatas. Sabi ko sa kanyang may mga mapang globular ako ng mga planetang Marte, Benus, Merkuryo, at iba pa sa aking tablet.
No comments:
Post a Comment