Thursday, May 4, 2023

Magnolya

Sa pasado nang hatinggabi nang ika-4 ng Mayo ng 2023, umikot akong lakad sa aming kapitbahayan. Madilim, at may mga ilaw sa mga balkonahe ng mga tahimik na tahanan. Bago pa mag-alas 7 nang umaga, nasa tsaahan sa Isla Lulu ako para uminom ng mayelong itim na tsaa at kumain ng hopyang monggo. Habang nagpupunas ng mga mesa si Jam, yaong Pilipinong barista, tinanong ko siya kung ano ang pinag-aralan niya sa Pilipinas. Impormasyong Teknolohiya raw siya. Mga pangprogramang lengguwaheng Java at JavaScript daw ang pinag-aralan niya para sa testing sa awtomasyon. Sa kaming mga Pilipino, mas mukhang Hawayano si Jam, pero ako naman ay mas mukhang Hudyo. Sa pabalik ko, dinaanan ko ang kalye nang may mga puno ng kulay-rosas na magnolya.

No comments:

Post a Comment