Thursday, May 4, 2023

Indiya at Arabe sa Marte

Nitong ilang taon, naranasan kong maraming Taga-Indiya rito sa Isla Lulu ay takot sa siyensiyang piksiyon. Palagay ko'y mga relihiyoso sila. Alam ko namang may sariling espasyong programa ang Indiya. Narating na nila ang planetang Marte nang robotiko, at may plano pa silang bumalik. May mayamang minoridad sa Indiya ngang makaagham, pero hindi ang karamihang pobreng tauhan. Ang UAE naman ay ang pinakaunang Arabeng bansa at ikalimang Teranong bansang naabot na ang planetang Marte nang robotiko.

No comments:

Post a Comment