Tuesday, May 9, 2023

Nostalhiya

Sa ika-4 na lakad ko nang ika-9 ng Mayo ng 2023, nasa pizzeria ako sa Isla Lulu. Nagkola na lamang akong nakikinig sa radyong CJAX na mga nostalhiyang musikang rock noong mga dekadang 1980 at 1990 at nanunuod nang walang tunog sa The Kelly Clarkson Show sa telebisyon doon. Ang baristang mag-isa ngayon ay ang Pilipinang si Rose. Naospital daw siya dahil nauntog sa banyo at parang nawalan nang malay. Pag-uwi ko, binati ako ni Sherie, yaong mestisang Amerindiyang Cree at Pransesa. Sa daan, nakita kong may malaking lalaking nakaupo sa hintuan ng bus, at may mga tato siya sa braso.

No comments:

Post a Comment