Ngayon ay Cinco de Mayo ng 2023, selebrasyon ng mga Mehikano. Nag-taco ako sa tanghali sa bahay. Ulan nang ulan. Sa hapon, naglakad ako papuntang pizzeria. Nagpizzang behetaryano ako at nagkola. May dumalaw na mag-inang mga Pilipino. May adolesenteng guwapong may puntong Pilipino pa ang Ingles niya. Pumunta ako sa tsaahan para isang plastik na baso ng mayelong itim na tsaa. Ang kahero ay si Chase na Ingles-Intsik na mestiso. Ang barista ko ay si Francis na mestisong Amerindiyong Cree at puti. Kumaway ako kay Chen, yaong matabang mukhang sundalong Intsik na nakaupo sa bar. Binati ko ang mga matatandang si Hans na Olandes at si Kveta, yaong Tseka. Palabas, dumaan ako sa kalye nang may mga punong magnolyang namumulaklak. Sa Pilipinas, may markang ayskrim na "Magnolia." Sa tindahan, bumili ako ng mga abenang kuki. Sa daan, nakita ko si Sager na dating barista sa tsaahan. Panjabi siyang mukhang Italyano. Bumalik siya nang tahanan dito sa Isla Lulu galing sa Bangkuber. May kondo siya. Medyo pumayat siya nang kaunti dahil nagdyidyim daw siya. Naggerlpren siya kay Lola, yaong Taga-Tsinang pilosopa. Malapit sa tahanan ko, nakita ko ang kapitbahay kong Kantones na si Sherman, at bitbit niya ang isang itim na plastik na maseterang may halaman.
No comments:
Post a Comment