Sunday, May 7, 2023

Hopyang Baboy

Nang kaunting umaaraw na ika-7 ng Mayo ng 2023, tatlong beses akong naglakad. Sa pasado nang alas 6 ng umaga, nasa tsaahan akong kumakain ng dala kong hopyang baboy at umiinom ng mayelong itim na tsaa. Ang barista ko ay si Chelsea, isang Mandaring Tsina. May mga regular doon. Dahil medyo nabara ang lababo ko sa banyo sa bahay, bumili ako ng kimikong ginamit ko pagbalik. Sa pasado nang alas 10 ng umaga, nasa pizzeria ako. Ang tindero ay si Sachet, yaong Taga-Indiya. Sa ibang tindahan, bumili ako ng malaking Taywanes na balimbing na bitbit ko patahanan. Sa pasado nang alas 2 ng hapon, nasa pizzeria muli ako. Sa labas, nagbabad si Hans na Olandes sa araw sa tabi ng isang panaderiyang Asyano. Nakasilyang de-gulong siya. Naospital siya noong Abril dahil sa virus na hindi naman coronavirus. Mahilig kami pareho nang astronomiya.

No comments:

Post a Comment