Wednesday, May 3, 2023

Delata

Nang pasadong hatinggabi nang ika-3 ng Mayo ng 2023, naglakad ako sa dilim papuntang sa sulok na tindahan para bumili ng limang Taywanes na panghimagas na malamig na sopas sa lata. Sa maaraw na tanghali sa balkonahe ng bahay, tsampurado at hawot ang kinain ko. Sa hapon, naglakad ako hanggang sa pizzeria para kumain ng inihurnong patatas at uminom ng Diet Cola. Nakita ko ang nakapulang si Wayne, yaong malaking lalaking lahing Polones, sa labas nang naglalakad. Palabas nang pizzeria, binati ko si Sherie, yaong parteng Amerindiyang Cree at parteng Pransesa. Nakakulay-lila siya. Sabi kong "pinakamalikhaing" kulay yaong sinusuot niya. Paborito naming pareho.

No comments:

Post a Comment