Nang maulap-ulap na umaga nang ika-2 ng Abril ng 2023, maaga ako sa tsaahang may mayelong itim na tsaa at mga tsip ng mansanas at nagbabasa ng Hapones na pantasyang librong Kudaketa Monshou, o Durog na Eskudo de Armas. Mga 8:07 ng umaga, dumating si Greg. Nagkape siyang may croissant. Binigyan ako niya ng isang bag ng mga tsip ng mansanas. Nag-usap kami tungkol sa relihiyon at mga imperyalismo ng mga Taga-Europa. May pumasok na lalaking nakaputing tisyert, muskular, at may mga tato sa braso. Tapos, bumili si Greg ng isang croissant, lumabas siya, at pinakain ang mga kalapati sa labas. Sa pagbalik niya, sabi ng isang baristang Taga-Indiyang si Nabhi kay Greg na huwag daw pakainin ang mga kalapati dahil may mga daga at mga langgam. Sabi ko kay Greg, nagagandahan din ako sa mga uwak, at natatandaan ko sa Pilipinas noong bata akong binabato naming bata ang mga paniki, pero walang tinatamaan.
No comments:
Post a Comment