Nasa tsaahan sa Isla Lulu ako nang umaga ng ika-27 ng Abril ng 2023. May dala akong ubeng hopyang kinakain ko roon. Umiinom ako ng mayelong itim na tsaa. Ang kahera ay ang Pilipinang si Gina, yaong manedyer ng tsaahan. Naroon din ang batang Pilipinong baristang si Jam. Dumating si Lizbeth na Mehikanang papuntang trabaho pagkatapos ng kape. Hindi sayaw ang ituturo niya sa klase ngayon, kundi mga ehersisyo tulad ng kardiyo para sa mga sinyor. Nang nakaupo ako sa tsaahan, ang iniisip ko ay ang kinabukasan ng mundong dominante ang mga makina at Artipisyal na Intelihensiya, at baka magiging parang mga pusa at aso lamang ang sangkatauhan. Paglabas ni Lizbeth, sabi niya, "Nasa Hapon ka pa..."
No comments:
Post a Comment