Friday, April 7, 2023

Ilaw-ilaw IX

Nang maulap-ulap na umaga nang ika-7 ng Marso ng 2023, nakita ko si Michael na Danes-Pranses sa eskinita rito sa Isla Lulu nang galing ako sa pizzeria. Sa ismartpon niya, pinakita niya ang mga litrato ng mga bagong "ebidensiya" ng ekstraterestre sa mga mahiwagang ilaw-ilaw sa bakod sa eskinita. Sabi ko sa kanyang iba ang paningin niya kaysa kay multibilyonaryong Elon Musk na naniniwala sa Paradoha ni Fermi. Si Enrico Fermi ang nagsabing walang kongklusibong ebidensiya ng ekstraterestre miski na may matematikang probabilidad na may buhay, intelihenteng buhay, sa ibang lugar ng ating sansinukob. Kay Musk, importante sa kanyang ang budhi ng sa ating Tiyera ay kumalat sa labas ng Tiyera.

No comments:

Post a Comment