Thursday, April 20, 2023

Isang Madulas na Kaligayahan

Nitong maulap at malamig na umaga nang ika-20 ng Abril ng 2023, naglakad ako papuntang tsaahan. Nakita ko si Dennis, isang Alemang Intsik na mestiso sa bago pang pulang Hapones na kotse niya, at nagbati kami habang nagmamaneho pa siya sa parking lot. Sa tsaahan, kumakain ako ng kanelang kapeng keyk at umiinom ng mayelong itim na tsaa. Ang kahero at barista ay ang Pilipinong si Jam na mahaba ang buhok at may bigoteng Taga-Bulacan. Jamin daw ang tunay na pangalan niya. Akala ko'y Muslim ang pangalan niya, pero hindi raw siya Muslim. May hawak na pensil, si Dennis na mestiso naman ay naglalaro ng Sudoku sa mesa niya. Akala kong ang ibig sabihin sa Hapones ay "numero-lason." Nakita ko na ang asawang Intsik ni Dennis. Maputi si Dennis na may lahing Aleman at Intsik. Naaalala ko ang isang paborito kong Amerikanong manunulat sa siyensiyang piksiyong si Samuel R. Delany na mulato, pero maputi siya at balbasin, at maputi na rin ang buhok katulad ni Dennis na wala namang balbas. Sa mesa ko naman, nagbabasa ako nang malakas ng isang Pranses na siyensiyang piksiyong librong Un bonheur qui dérape, o Isang Madulas na Kaligayahan, ni Jean Mazarin.

No comments:

Post a Comment