Saturday, April 29, 2023

Mansanas

Nang bago pa mag-alas dos ng maaraw na tanghali nang ika-29 ng Abril ng 2023, naglakad ako hanggang sa pizzeria para kumain ng inihurnong patatas at uminom ng Diet Cola. May mga guwapong puting dumalaw at nag-order. Nakita ko sa labas dumaan si Chen na Intsik na matabang parang sundalong nakaberde, at kumaway siya kay lakad na si Chris na Ingles-Hapones na mestisong barista ng tsaahan. Sa pizzeria, may isang Tsina mula sa kapitbahay na tindahan ng prutas at gulay na pumasok para patikman ako at si Sachet na Bumbay na tindero sa pizzeria ng maliit na piraso ng sampol nilang mansanas na "Envy" ang klase. Mainit sa pizzeria, dahil nakasuot ako ng pulang dyaket na makapal ko.

No comments:

Post a Comment