Friday, April 28, 2023

Tsaahan Muli

Nang maaraw na pasado nang alas 6 nang umaga ng ika-28 ng Abril ng 2023, nasa tsaahan ako. May dala akong isang berdeng balot ng hopyang monggo. Kumain ako ng dalawang piraso, at uminom ako ng mayelong itim na tsaa. Sa bintana ay sinag ng araw. Naroon ang isang baristang Rusang si Karina at isang Byetnamesang baristang si Jessica. Dumating ang isang mag-asawang Taga-Romania raw. Sabi ng lalaki, "Samer na sa isip ni Viktor." Sa labas, binati ko sa malayo si Michael na Danes-Pranses na nakaupo sa isang naaarawang bangko sa tabi ng puno.

No comments:

Post a Comment