Nang maulap na umagang pasado nang alas 8 ng ika-30 ng Abril ng 2023, naglakad ako papuntang sa tsaahan sa Isla Lulu. Sa daan, nakita ko si Michael na Danes-Pranses. Pinag-usapan namin ang biyahe ko sa Ehipto. Lumang-luma ang mga kolonyal na Pranses na gusali sa Cairo. At mahiwaga ang mga talagang antigong piramide. Sa Luxor ay ang maraming templo. Sa daan ay ang Kom Ombo, templo ng diyos na buwaya. Sang-ayon kaming antigo rin ang Anglo-Sahong Amerika rito kung iisipin ang mga indihenong narito nang ilang libong taon na. Sabi kong sa Amerikang Latino, maraming impluwensiya pa ang Amerindiyo sa kulturang meynstrim. Kumakain doon ng tortilla at taco, at mga ganoon. Pero sa Anglo-Sahong Amerika at Awstralya, parang binaliwala na ang indiheno. Pagdating ko naman sa tsaahan, ang kustomer sa kahera ay isang guwapong mongheng mukhang Tibetanong nakakulay-tsokolateng dyaket at pulang mahabang suot. Dalawa pang Hispanikong kustomer ang dumating. Sabi ni Brian na Eskoses na uulan daw mamaya. Dumating si Marlin, yaong Pilipina, at nagkape nang may kasamang bagel siya sa tabing mesa. Inalok ko siya ng aking ubeng hopya, pero nagbabagel na lamang daw siya. Umiinom ako ng mayelong itim na tsaa.

No comments:
Post a Comment