Sa maaraw na tanghali nang ika-27 ng Abril ng 2023, bumalik ako sa pizzeria, sa ika-3 lakad ko. May limang maingay na adolesenteng babae roon. Kinakain ko ang bagong klaseng pizzang may patatas at beykon. Naroon ang tinderang Pilipinang si Rose. Taga-Cagayan sa Pilipinas talaga siya. Napag-usapan namin ang anak niyang si Jean-Paul na pinanganak sa Hong Kong, habang nagtratrabaho siya roon. May sertipiko ng kapanganakan si Jean-Paul na may nasyonalidad ng Hong Kong. Pero umalis sila mula sa Hong Kong papuntang Hilagang Amerika noong maliit pa siya. Kailangang hanggang 18 anyos tumira siya roon upang maging isang mamamayan ng Hong Kong. Dumating sa pizzeria si Lola Joey, yaong matangkad na Olandesa. Mga apat o limang piraso ng pepperoning pizza ang palagi niyang binibili. Sabi niyang nagagandahan siya sa mga kalapati sa labas ng bintana. Mula sa pizzeria, naglakad ako papuntang groseri at bumili ng dalawang berdeng balot ng hopyang monggo. Sa priser sa bahay, nakalimutan kong may dalawang asul na balot ako ng hopyang ube na pala. Maynila's Choice ang marka.
No comments:
Post a Comment