Friday, March 31, 2023

Cavite

Nitong tanghali nang ika-31 ng Marso ng 2023, kinakausap ng Mama si Perlita sa sala sa lupa ng aming bahay sa Isla Lulu. Nag-aral pala sa hayskul at kolehiyo ng Kastila si Perlita. Taga-Cavite si Perlita, at Taga-Ibaan ang asawa niyang si Glen. Sabi kong maraming marunong ng Chabacano, ang Kreyol ng Kastila, sa Cavite, pero hindi marunong si Perlita. Ang propesora raw niya ay marunong ng Kastila, Chabacano, Tagalog, at Ingles. Marunong ng tulang Kastila mula sa Noli Me Tangere ni José Rizal si Perlita at ang Mama. Sabi kong hindi ako naghayskul sa Pilipinas. Sabi kong marami naman akong Kastilang libro, at mabuti akong magbasa at medyo lamang nang pagsasalita. Nag-order pa ako sa Internet ng isang Griyego-Kastilang minidiksiyonaryo, isang Pinlandes-Kastilang minidiksiyonaryo, at iba pa.

No comments:

Post a Comment