Nang pasadong alas 10 nang maaraw na umaga ng ika-27 ng Abril ng 2023, lumabas nang lakad ako muli mula sa bahay papunta naman sa pizzeria. Maraming mga maingay na adolesenteng lalaki sa pizzeria, habang kinakain ko ang aking pirasong may pepperoni at umiinom ng Diet Cola. Ang tindera ay si Rose na Pilipina. Paglabas ng mga adolesente, may pumasok na lalaking may balbas na puti, at kamukha siya ni Samuel R. Delany na maputing mulatong manunulat ng ilan sa mga paborito kong siyensiyang piksiyong libro. Dumating kahapon ang order ko nang librong Nova sa Hapones na isinalin mula sa orihinal na Ingles niya, at may signatura niya ang kopyang Hapones kong galing pa sa Scranton sa Pennsylvania. Pabalik ko sa bahay, nakita ko si Michael na Danes-Pranses, at tiningnan namin ang mga mahiwagang ilaw-ilaw sa eskinita. Isip niyang may kaugnayan sa mga ekstraterestre.
No comments:
Post a Comment