Nitong mga araw, kinakausap ko si Hans na Olandes na nakasilyang de-gulong sa kapihang Istarbak. May binili siyang teleserye sa disko tungkol sa bombang nuklear na pumutok sa Amerika. Nasa ikalawang disko sa total na anim lamang si Hans, at hindi pa niya naiintindihan ang talagang nangyayari sa istorya. Popular na tema ang nuklear na gera sa mga siyensiyang piksiyon. Ang paborito ko ay ang librong Davy ni Edgar Pangborn. Naging parang medyibal ang buhay nang ilang siglo ang nakaraan na pagkatapos ng nuklear na gera. May teknolohiyang retrogresyon. Maganda ang istorya. May klasikong pelikulang Logan's Run tungkol sa mga surbaybor ng nuklear na gera. Nasa ultramodernong siyudad sila. Parang ganoon din sa Hapones na seryeng animeng No. 6 na may ilang mga ultramodernong siyudad-estado nang natirang tauhan. Sa mga siyensiyang piksiyon naman ni Arthur C. Clarke at ni Samuel R. Delany, walang gerang ganoon sa Tiyera sa kinabukasan. Pero, sa isang libro ni Delany, may gera nang ang Tiyera ay kinalaban ang mga kolonya sa Sistemang Solar, at nasiraan ang Madreng Tiyera. Sa tunay na buhay ko sa kapihan, umiinom lamang ako ng maiinit na tsokolate, berdeng matchang abenang latte, puting abenang latte, at pulut-pukyutang sitrus na tsaa. May mga croissant na may hamon at kesong Suwiso ako. Ika-31 ng Hulyo ng 2024, ngayon sa Isla Lulu rito. Sa ika-6 at ika-9 ng Agosto ang anibersaryo ng mga bomba sa Hiroshima at Nagasaki.
No comments:
Post a Comment