Friday, July 12, 2024

20220829 Si Greg at ang mga Sekta

Nitong umaga nang ika-29 ng Agosto ng 2022, pinag-usapan namin ni Greg nang mabuti tungkol sa relihiyon, sa Isla Lulung kapihan. Ikinumpara namin ang Sheol-Hades at Resureksiyon ng tao sa kanyang Baptista, sa Saksi ni Jehovang alam ko, at sa Romano Katoliko. Iba-iba ang mga interpretasyon ng mga sekta. Sabi ko kay Greg, may Trinidad din sa Hinduismong ang mga diyos Brahma, Vishnu, at Shiva, yaong Manlilikha, Tagapag-ingat, at Maninira. Bukod sa importanteng tatlong ito, may maraming-marami pang mga ibang diyos sa Hinduismo. Sabi ko kay Greg, may panahon sa Indiyang Hindu sila, tapos naging Budista, tapos bumalik sa Hindu, dahil muling sinipsip ng Hinduismo ang Budismo. Alam ni Greg na ang Budismo ay may ugat sa Hinduismo, katulad nang binanggit niyang ang Kristiyanismo at Islam ay may ugat sa Hudaismo, yaong tatlong relihiyong Abrahamiko. Sabi ko pa kay Greg, sa Taylandiya at Hapon, malimit ang taong dalawa ang relihiyon, ang Budismo at Animismo. Sa Hapon, Shinto ang Animismo. Ang orihinal na relihiyon sa mundo ay Animismo, kagaya ng mga Igorot ang binanggit ni Greg at ng mga Amerindiyong ang binanggit ko naman.

No comments:

Post a Comment