Sunday, July 28, 2024

KATULAD NINO

Katulad nino ako? Katulad ko si Jerome J. na Pilipino sa Isla Lulung mahilig sa Hapones, mga sereso, at mga tsismis. Katulad ko si Tom S. na Taywanes na "Teacher's Pet" din sa elementarya. Katulad ko si Philip T. sa hayskul na may lahing Hokkien na Pilipino. Katulad ko si Kenneth M. na Eskoses-Rusong interesado sa Siyensiyang Tunay at Siyensiyang Piksiyon, at "Top Student" pareho kami sa hayskul. Katulad ko si Graeme S. na Jamaican sa hayskul: taga-tropiko. Katulad ko si David H. na Kantones na mahilig sa Kultura at Arte, at nasa Inhenyeriyang Pangkimiko sa UBC. Mahilig sa Hapones si David H. nang katulad ko. Katulad ko ang mga Kantones na si Steve K. at si Glen L., yaong nasa Siyensiyang Pangkompyuter sa UBC. Mahilig sa Hapones si Steve K. nang katulad ko. Mahilig sa Pranses si Glen L. nang katulad ko. Katulad ko ang Taga-Karibeng itim na si Lance C. sa UBC na mahilig sa Abansadong Matematika. Katulad ko ang mga Tsinong si Frank G. at si Don C. na mga Inhenyerong Pangsopwer. Mahilig si Don C. sa Pilosopiya at Siyensiyang Piksiyon nang katulad ko. Katulad ko si Jeff M. at si Takahashi-san, yaong nagtrabahong pangsopwer sa Microsoft Hapon. Mahilig sa Kultura at Kalikasan si Takahashi-san. Ang pangalan niya ay "Mataas na Tulay" ang ibig-sabihin. Nagkakayak siya sa mga ilog. Si Jeff M. ay mestisong Hapones-Amerikanong mukhang "Sumo Wrestler." Katulad ko ang Taga-Ecuador na si Pedro M. na nanirahan sa Bangkuber din at mahilig sa Meditasyong Taylandes at Sensuwalidad; nag-aral ng Esperanto rin. Isa pang Esperantistang katulad ko'y si José Tlatelpas na manunula at pilosopo. Sabi niya sa akin, "Wala sa Sansinukob ko ang Ingles." Marunong siya ng Klasikong Nahuatl din, wikang indiheno ng mga Aztec. Bumalik na siya sa Mehiko. Katulad ko ang Hindung si Jai L. na nanirahan sa Bangkuber din; mahilig sa Zen, Europa, Inhenyeriyang Pangsopwer, at "Bentō Box." Katulad ko si Damien P. na Polakong mahilig sa mga Wikang Guni-guni, katulad ng Esperanto at Interlingua, at mahilig sa mga Amerindiyo. Katulad ako ni Gleki Arxokuna, yaong Rusong mahilig sa lengguwaheng Lojban. Katulad ko si Christopher S. na Pilipinong tagaestadong Washington at sobrang mahilig sa Lingguwistika. Katulad ako ni Bratislav T. na Kroasyano, ni Michael na Danes-Pranses, ni Joanne na Ukranya, at ni Hans na Olandes na interesado sa Astronomiya. Katulad ko ang puting si Rod, asawa ni Joanne: Mahilig kami sa Kalikasan. Katulad ko ang puting si Jason at ang Kantones na si Don C. na mahilig sa Siyensiyang Piksiyon. Malimit kami ni Don C. sa On Lok na Bangkuber na Tsinong restawran sa gabi; nagpipilosopo. Katulad ko si Greg P. na Pilipinong bata pa dumating sa Hilagang Amerika at mahilig sa Espiritwalidad, Antropolohiya, at Kasaysayan. Katulad ko ang tabatsoy na mukhang sundalong si Yu-Chen, yaong Taga-Shanghai; mahilig sa Oksidental na Pilosopiya at Relihiyon. Katulad ko ang Taga-Guangzhou na si Michael na mahilig sa Tsokolateng Antropolohiya, Budismo, at Sensuwalidad. Katulad ko si Barry Blake na manunulat at dalubwika tungkol sa mga wikang Aboriheno ng Awstralya. Bukod sa Ingles, nanonood at nagbabasa ako ng Siyensiyang Piksiyon sa iba-ibang wika, bilang ang Kastila, Portuges, Pranses, Italyano, Catalan, Esperanto, Hapones, Tagalog, at Lojban. Ako lamang ang alam kong ganoon ang ginagawa. Ngayon ay ika-29 ng Hulyo ng 2024, sa Isla Lulu rito.

No comments:

Post a Comment