Monday, July 1, 2024

Suwiso

Nitong una ng Hulyo ng 2024 ay Araw ng Canada. Dito sa Isla Lulu, ilang beses akong lumabas nang lakad. Nasa kapihang Istarbak ako para ilang tasa ng berdeng tsaang may yelo at ilang croissant na may hamon at kesong Suwiso. Sa umaga, suot ko ang sombrero kong pula at puti na may mga dahon ng meypol. Sa gabi, bumili ako sa panaderiya-tsaahang SunTea ng inuming may taro, grass jelly, at gata ng niyog na may yelo. Sa tindahang FreshCo, bumili ako ng mga niyog na sorbetes na popsikel galing sa Lithuania.

No comments:

Post a Comment