Sa mga siyensiyang piksiyon, maraming mga kuwento'y tungkol sa gerang nuklear. Sa libro at pelikulang Damnation Alley, pagkatapos ng gerang nuklear, ang mga surbaybor ay nakasasakyang espesyal na malalaki para sa lahat ng tereno. Sa teleseryeng Buck Rogers sa Ika-25 Siglo, panahon nang post-apokaliptiko. Ganoon din sa kasaysayan ng prangkisang Star Trek: Dumalaw ang mga alien pagkatapos ng gera, yaong Unang Kontakto. Tapos, kumalat ang mga tao sa espasyo. Walang gerang nuklear naman sa mga siyensiyang piksiyon ni Arthur C. Clarke, at nagtrisentenyal ang Amerika. Patuloy ang eksplorasyon at kolonisasyon ng Sistemang Solar. Ganoon din ang mga siyensiyang piksiyon ni Larry Niven: Patuloy ang ekspansiyon ng tao sa mga kapitbahay na mga ibang estrelya. Ang mga gera naman kay Niven ay ang mga tao kontra mga Kzinti, mga tigre-taong alien sa espasyo.
No comments:
Post a Comment