Nitong mga araw, ang inumin at pagkain ko sa kapihang Istarbak ay sukat na Venti para sa itim na kapeng may yelo o maiinit man at croissant na may hamon at kesong Suwiso. Mainit ang panahon. Nang ilang araw, may kinausap akong mga Koreanong kinulayang dilaw ang buhok. Hapones ang lengguwahe namin. May nakita kahapon akong Aprikanang babaeng kostumer na galing sa Zimbabwe. Marunong siya ng Ingles at ilang lengguwaheng Aprikano. Alam niya ang pagsusulat at pagbabasa noon. 'Ika ko, "Matalino ka yata!" Sana raw ay alam niya ang Pranses. Aprikano ang suot niya. Noong isang araw sa parking lot, mula sa trak, sumigaw yaong puting matangkad na si Alex na para raw akong si "Dr. Morden." Sino kaya iyon? May Dr. Morbius sa Forbidden Planet, at may Mr. Morden naman sa Babylon 5. Kagabi ang aking baka ika-3 o ika-4 nang "Pink Drink" sa kapihan. Nitong gabi, bumili ako sa tindahang FreshCo ng isang berdeng kahon ng Hapones na mayelong mochi, yaong berdeng tsaa ang lasa. Ika-14 ng Hulyo ng 2024 ngayon, sa Isla Lulu rito.
No comments:
Post a Comment