Friday, July 12, 2024

20220903 Si Greg at ang Singkretismo

Nitong umaga ng ika-3 ng Setyembre ng 2022, kinausap ko muli si Greg sa Isla Lulung kapihan. At doon siya nagkape at nagbagel na may keso, habang ako ay nagtsaang itim na malamig at nagpatatas na tsips. Sa umpisa, sinabi niyang ang kanyang mga "paboritong tao" ay ang mga Abrahamiko: Hudyo, Muslim, at Kristiyano. Sabi ko sa kanyang dapat ang ugali ng Kristiyano sa taong may ibang relihiyon ay ang pagmamahal, at hindi poot na naranasan ko sa iba sa kanila sa kalye. Sabi ni Greg, lumayo raw ako sa mga galit na nakikipagtalong taong ganoon. Tapos, pinag-usapan namin ang naranasan naming taong singkretistang Budista-Katoliko sa Binondo sa kanya at sa Cebu sa akin naman. Sabi kong sa Korea ay may mga singkretistang Protestante-Budista-Animista at iba-iba. Sa Asya, Amerikang Latino, at Aprika, malimit ang singkretismong Katoliko-Animista. Pinag-usapan namin ang mga templo sa Isla Lulu. Sabi ko kay Greg na malimit ako dati sa Internasyonal na Budistang Lipunan, at nagbabasa dati ako roon ng mga esoterikong libro sa aklatan nila. Tungkol sa dupleksong relihiyon sa Hapon, sabi ko nga ay ang Budismo ay may ugat sa Hinduismo, at ang Shinto ay may ugat naman sa mga Siberyano. Narinig ko ang boses ng isang Byetnamesang baristang si Jessica. Sabi niyang kung lilipat daw ako, hindi sa Canada muli, dahil mas gusto ko raw sa Taylandiya.

No comments:

Post a Comment