Ang tao ay parang goldfish sa fishbowl. Kung pupunta sa espasyo, kailangang dalhin ang atmospera, katulad ng isdang dinadala ang tubig. Kaya, kung titigil sa ibang planeta, kailangang may maskara para sa atmospera dahil ang atmospera sa ibang planeta'y iba talaga ang komposisyon ng iba-ibang gas bilang oksiheno, hidroheno, at mga ganoon. Hindi lamang ang atmospera'y iba, kundi ang dagsin din, kaya iba ang timbang ng tao sa ibang planeta. Sa espasyo mismong nagbiyabiyahe ang sasakyang pangkalawakan, may radyasyong kailangang ilagan at sanggahan ng tao. Ito'y tema para sa abansadong pisika. Matagal pa ang dating nitong kinabukasan.
Sa ibang planeta, baka may ibang buhay katulad ng parang bakterya sa pinakababang tipo. Kaya kailangan pa nga ang espesyal na suot para sa proteksiyon. Baka may ingkompatibilidad ang buhay natin at ang buhay sa ibang planeta. Marahil iba ang magiging reyalidad kaysa sa ang pinapakita sa mga teleseryeng katulad ng Star Trek o mga pelikulang katulad ng Star Wars ng siyensiyang piksiyon. Matagal pa ang dating nitong kinabukasan.
No comments:
Post a Comment