Mahalaga sa akin ang wika. Ang mga tendensiya ko ngayon sa wika ay ang Lojban, Hapon, at Tagalog. Pero may kagustuhan akong matututo ng Suweko, Pinlandes, at Griyego. Nabibigkas ko ang mga salitang Griyego, miski na di ko alam ang ibig sabihin. Alam ko na ang Esperanto at Interlingua, at kaunti ng Volapük. Ang Volapük ay kombinasyon ng pangarap kong maalaman ang Aleman at Ruso. Medyo nabibigkas ko naman ang mga salitang Ruso at Aleman. Sa isip ko, pink ang Volapük. At berde ang Esperanto; asul ang Interlingua. At morado ang Lojban; itim daw o kulay-abo ang Tagalog. At kulay-tsokolate naman ang paborito nang maraming Kastila. At pula ang Hapong empasis ko parati.
No comments:
Post a Comment