Friday, June 2, 2023

Dikotomiya

Nang ika-2 ng Hunyo ng 2023, sa umaga, nasa tsaahan sa Isla Lulu ako para isang baso ng mayelong itim na tsaa. Nakapila si Jam na Pilipinong nakasuot nang kulay-abo para mag-order. Kinamusta niya ako. Maaraw ngayon. Umupo ako malapit sa banyo. May nakatindig na malaking lalaking malapad ang katawan. Mukhang trabahador. Naghihintay siya ng order niya ng kape. Mamaya pa, nasa pizzeria ako para isang piraso ng pepperoning pizza at dalawang baso ng Diet Cola. May Asyano sa labas ng pizzeriang parang hindi normal ang kondisyon. Kinakamot niya ang kilikili niya. Tapos, umalis siyang nakabisikleta. Sa ibang tema, may mga kapitbahay akong parating nagrereklamo sa dikotomiya ng Hermaniko at Mediteraneong mga salita sa Ingles. Naiintimida sila sa mga Mediteraneo. Palagay kong hindi sila masyadong edukado talaga. Komento kong ganoon ang Ingles dahil sinakop ng Pransiya ang Inglatera noong antigong panahon. Sa iba pang tema, naglagay ako ng mga app tungkol sa astronomiya sa tablet ko, tulad ng mga global na mapa ng Marte, Benus, at Luna, at saka hiroskopyong mapa ng mga konstelasyon sa langit, at saka katalogo ng mga eksoplaneta.

No comments:

Post a Comment