Thursday, June 29, 2023

Walang Konhugasyon II

Isang Araw ng Lojban ang ika-29 ng Hunyo ng 2023 ngayon, dahil may 9 ang 29, at ang 9 at kulay-lila ang mga simbolo nitong wika. Sa maaraw na hapon, nasa harapang mesa ako sa labas ng pizzeria para kumain ng pizza at magkola. May dumalaw na mukhang malusog na Pilipinong nakapantalong militar, at may mga tato siya. Sa kabila ng kalye ay ang sanwits na tindahan at Asyanong panaderiya. Lakad na may hawak na sanwits sa harapan si Chase, yaong payatot na matangkad na mestisong Tsino-Ingles, barista sa tsaahan. Sa tema ng araw, maganda sa mga manunulat tulad ko ang wikang Lojban, dahil opsiyonal lahat ang TMA, ang tense, mode, at aspect na mga partikulo. Walang berbong konhugasyon sa Lojban. Sa Lojban, may omnipredicativity ang mga ugat na salita, parang sa Mehikanong Klasikong Nahuatl o Aztec.

No comments:

Post a Comment