Nang ika-23 ng Hunyo ng 2023, lakad ako at naroon sa tsaahan sa Isla Lulu. Naroon kami ni Greg na Pilipino sa naaarawang mesa sa harapan. Nagkakape siyang may kasamang croissant. Ako naman ay may malamig na bote ng salabat. Hindi ako kumain dahil sa bahay, mayroong handa na akong mga ubeng pankeyk na kakainin ko mamaya pa. Alam ni Jam na Pilipinong barista roon at ni Greg ang guni-guni kong "Siopao Bar," ang estilong Asyanong tsaahan sana rito sa Isla Lulu. Ganoon pa man, marami kaming pinag-usapan ni Greg, tulad ng pangkaraniwang paggamit nang marihuwana para sustituto ng orgasmo. Malungkot ang marami. Isang dahilan nitong bagay ay ang mga sakit sa sekso. Sabi kong sikat na urolohista ang pinsan kong nasa Lungsod ng Batangas. Pag-alis ni Greg, binunot ko ang libro kong nasa loob ng berdeng kambas na sako ko. Binabasa ko ang Tra lando de indianoj ni Tibor Sekelj, yaong nobela sa Esperanto tungkol sa buhay sa gubat ng Brasil. Maraming mga adolesenteng makisig na makulay-kulay sa tsaahan dahil gradwasyon na ngayon. Binati ko rin si Marlin na Pilipinang nagbabasa habang nagkakape sa ibang mesa. Marunong siya ng Pranses, dahil Taga-Pransiya ang asawa niya. Nag-ilang taon sila sa Québec. Sa tanghali sa bahay, habang nagbabasa ako ng Chavacano de Zamboanga ni Gefilloyd Lim de Castro, dumating ang kuya kong may dalang mga pagkaing galing sa Mehikanong groseri. Kumain ako ng Griyegong calamari, ang dala ng nanay at pinsan ko. Pagbalik ko sa tsaahan, mabanas na. Maraming estudyante.
No comments:
Post a Comment