Nang maaraw na ika-12 ng Hunyo ng 2023, nasa tsaahan ako sa umaga. Naroon kami ni Greg na Pilipino. Nagkakape siyang may croissant, at ako naman ay nagtsatsaang itim na mayelong may kasamang binaon kong hopyang ube. Marami kaming pinag-usapan. Siyempre, parati naming tema ang relihiyon, ang Budismo, Animismo, at Kristiyanismo. Tapos, pinag-usapan namin ang antigong sulat ng Pilipinong Baybayin, pero hindi pa ni Greg nalaman tungkol sa ortograpiyang ang ultimong orihen ay ang sulat ng mga Phoenician. Sa teknolohiya, sabi kong nag-aarte akong gamit ang Artipisyal na Intelihensiya. "Parang may imahinasyon ang makina," 'ika ko. May koleksiyon ako ng mga robot na laruan noong bata ako. Matagal nang pangarap ng marami ang robot na parang tao. May progreso naman. Matagal pa ang panahon, 'ika ko, nang karaniwan ang robot sa kalye at bahay. Nagmadaling umalis si Greg dahil tumawag ang anak niyang babae para ibili siya ni Greg ng kulay-rosas na Pepto-Bismol dahil masama ang tiyan niya sa sobrang kain ng pakwan. Pink daw ang dugo ng mga Klingon. Ngayon ang ika-12, isang Araw ng Ingles sa akin, dahil numero 12 ang Ingles. Sa tsaahan, kinamusta ko rin si Marlin, yaong Pilipina. Nagbabasa siya ng librong The Last Lecture. Balik ako sa bahay. Sa umaga pa rin, mamaya pa, nasa pizzeria ako. Sa hapon, balik ako sa pizzeria. Dumaan sa labas ng pinto ang Tsina kong kapitbahay na si Lindsey na nakanarangha ang suot.
No comments:
Post a Comment