Sunday, June 11, 2023

Ponytail

Nang maulap na ika-10 ng Hunyo ng 2023, dalawang beses ako sa pizzeria sa Isla Lulu, sa umaga at sa hapon. Lakad ako. Sa umaga, may kostumer na nanay na pulang kulot ang buhok na kasama ang isang lalaking anak na kayumanggi ang buhok at isang mas maliit na babaeng dilaw ang buhok. Sabi ng nanay, sa pagtanda ng babae'y magiging kayumanggi rin ang buhok niya. Kayumanggi ang buhok ng asawa niya. Sa hapon, may mukhang Pilipino o Mehikanong guwapong Tsinong kostumer na nakaasul na kamiseta at asul na shorts. Tinanong ko siya dahil gusto kong malaman ang lahi niya. Tanong ko, "Mehikano ka ba?" Sagot niya, "Hindi, Tsino." Tanong ko, "May iba ka bang lahi?" Sagot niya, "Wala. Intsik lamang." Sabi ni Rose na tinderang may lahing Pilipino yaong kostumer. Pero, nag-iintsik siya. Sa ibang mas madilim na tema, mamaya pa, kamuntik na kaming magbakbakan sa pizzeria sa hapon ng isang matangkad at malaking mamang dilaw ang buhok na nakatali nang maikling ponytail sa likod. Madaling sabihing para siyang biyolentong galit na Klingon, at ako naman ay kalmadong Vulcan. Baka nagdrodroga yaong tao. O, talagang naiinggit siya. Sa ibang tema, nirerebyu ko ang ortograpiya at ponolohiya ng Hokkien, ang malamang na ansestrong Tsinong topolekto ko.

No comments:

Post a Comment