Nang maaraw at preskong ika-8 ng Hunyo ng 2023 rito sa Isla Lulu, dalawang beses akong naglakad: sa umaga sa tsaahan, at sa hapon sa pizzeria. Sa tsaahan, ang barista ko ay si Taryn, yaong matangkad na Anglo-Sahona. Naroon din si Jessicang Byetnamesang barista. Naroong kostumer si Dennis na mestisong Tsino-Alemang naglalaro ng Sudoku sa mesa niyang may mga de-kolor na pensil. Dumating at nagbati si Ginang manedyer na Pilipina. Maaga ako roong mga alas 6 nang umaga. Sa pizzeria namang bago pa mag-alas 2 ng hapon, kumain ako ng isang makarneng piraso ng pizza at uminom ng dalawang baso ng Diet Cola. Naroon ang may-aring si Tharsan, yaong may lahing Taga-Sri Lanka. Naroon din si Bal na tinderong Taga-Indiya. Nagbreyk si Sachet na Taga-Indiyang tinderong kumakain ng pizza sa sulok. Parang nag-aalala siya sa diet ko, dahil alam niyang mas gusto ko ang Asyanong pagkain, tulad ng kinain ko sa tanghaliang kanin, Hapones na agedashi tōfu, at Hapones na sopas na miso, at saka nagsiyopaw ako nang almusal. Mas masarap nga ang pagkain sa Asya. Ang Indiya ay Asyano rin. Ngayong ika-8 ay Araw ng Interlingua, dahil 8 ang simbolo ng lengguwahe. May 8 binti ang alimango at oktopus din. Alam naman ng maraming patriyotiko ako sa Esperanto, yaong berde. Pero, may kagandahan din ang Interlingua, yaong asul.
No comments:
Post a Comment