Sa hapon nang ika-7 ng Hunyo ng 2023, kumakain ako ng kesong pimientong sanwits at mga tsip na kulay-lilang kamote sa balkonahe. May malamig na kape. Kita ko sa lupa ang mga mestisang anak ni George na Tsipreng Griyego at ni Chikang Haponesang si Chloe at si Annang nag-aalaga ng asong si Pepper ng kapatid ko, habang nagbabakasyon silang mag-asawa sa Mehiko. Si Moli, yaong Taga-Fijing mestisang Tsina-Bumbay, ay nasa hardin niya. Nakasuot nang dilaw. Sa hardin niya, may mga pulang poppy. Dumaang lakad si Lynn na asawa ni Alan, mga kapitbahay kong Pilipino. Marunong si Lynn ng lengguwaheng Hokkien, ang malamang na ansestrong Tsinong lengguwahe ko rin. Nakasuot siya nang pula. Kumaway ako mula sa balkonahe. Sa balkonahe, kumakain ako ng mga berdeng pepitas. Maulap-ulap ang langit. Tapos, kumakain ako ng malaking siyopaw na asadong baboy. Dumaan sa lupa ang mag-asawang kapitbahay kong Anglo-Sahong si John at Noruwegang si Marit. Nakaasul si John, habang nakaistrayp nang puti at itim na may kulay-rosas na puso sa harapan si Marit. Kinausap nila ang ibang kapitbahay kong mag-asawang Ingles-Alemang si Martin at Britanikang si Marian. Tapos, kinamusta nina John at Marit si Moli sa hardin niya. Inuubos ko na ang abenang gatas na naiwanan sa ref ng pinsan kong si Eva dahil binibisita niya ang Nevada. Nag-isang baso ako sa balkonahe, habang may mga taong naglalakad sa kalye.
No comments:
Post a Comment