Sa hapon nang una ng Hunyo ng 2023, nasa pizzeria sa Isla Lulu ako. Nag-isang piraso ako ng pepperoning pizza at nagkola. Tapos, nasa tsaahan ako para isang baso ng mayelong itim na tsaa. Ang mga regular na matatanda tulad ni Hans na Olandes at ni Kveta, yaong Tseka, ay nakaupong naaarawan sa labas, sa harapan ng tsaahan. Ang kahera ay si Joanna, yaong madalas na nakangiti. Sa loob, habang nagma-mop ng sahig si Leou, yaong Taga-Tsinang barista, kinakausap ko siya. Bibisita raw ang pamilya niya sa probinsiyang Alberta sa Hulyo, at gusto nilang makita ang mga cowboy. Nirekomenda ko ang parke ng mga dinosawro roong may mga fosil. Bukod sa medyo ng Ingles, marunong si Leou ng Mandarin at ng wika ng probinsiyang Hunan sa Tsina. Maraming Pilipinong dumalaw sa tsaahan. Marunong pala ng Kantones yaong matangkad na si Chase na Ingles-Intsik na mestisong barista, dahil nakinig ko siya. Ang topolekto ng Intsik ng mga ansestro ko ay malamang na Hokkien, ang pinakapopular na Intsik sa Pilipinas. Popular ang Hokkien sa Timog-silangang Asya, probinsiyang Fujian sa Tsina, at Taiwan.
No comments:
Post a Comment